^

Bansa

Erap b-day pinayagan

-
Pinayagan kahapon ng Sandiganbayan si dating Pangulong Erap Estrada na magdiwang ng kanyang ika-68 kaarawan sa kanyang detention house sa Tanay, Rizal.

Dahil hindi naman makakalabas ng kanyang Villa si Erap, ang anak nitong si Sen. Jinggoy Estrada ang mamamahagi ng regalo sa mga mahihirap na residente sa Tondo, Maynila bilang gift-giving ng dating Pangulo sa kanyang mga taga-suporta.

Binati naman ni Ilocos Sur Gov. Luis ‘Chavit’ Singson si Erap ng ‘good luck’ sa kasong kinakaharap nito sa Sandiganbayan.

Sinabi ni Gov. Singson, dapat ay utusan na ni Erap ang kanyang mga abugado na huwag ng gumamit ng mga delaying tactics kung talagang inosente siya sa kasong plunder.

Samantala, sa halip na depensahan ng ika-31 testigo ng kampo ni Erap ang dating Pangulo ay inilaglag pa siya ng testigong si dating Equitable Bank vice-president Beatriz Bagsit ng humarap sa Sandiganbayan matapos aminin nitong umabot sa P2.168 bilyon ang naipasok sa Jose Velarde account.

Sinabi naman ni State Prosecutor Dennis Villa-Ignacio, lumilitaw na si Bagsit ay isa sa mga humahawak ng special accounts ni Estrada kabilang ang Erap Muslim Youth Foundation. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BEATRIZ BAGSIT

EQUITABLE BANK

ERAP

ERAP MUSLIM YOUTH FOUNDATION

ILOCOS SUR GOV

JINGGOY ESTRADA

JOSE VELARDE

MALOU RONGALERIOS

PANGULO

PANGULONG ERAP ESTRADA

SANDIGANBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with