^

Bansa

115 cardinal pipili na ng susunod na Santo Papa

-
Dumalo na kahapon sa isinagawang ‘special intention mass’ ang may 115 miyembro ng college of cardinals sa St. Peter’s Basilica upang gabayan sila sa gagawin nilang pagpili ng susunod na Santo Papa.

Pagkatapos ng misa, nagmartsa ang mga cardinal na nakasuot ng kanilang kulay pulang damit patungo sa St. Martha’s house para sa unang araw ng halalan para sa susunod na magiging Papa.

Nakatutok naman ang buong mundo sa kalalabasan ng isasagawang ‘conclave’ o halalan ng 115 cardinal upang pumili ng magiging successor ng yumaong si Pope John Paul II.

Hindi titigil ang mga cardinal na nagkulong sa Sistine Chapel sa pagboto hanggang walang nakakakuha ng 77 votes sa kanila o 2/3 plus 1.

Malalaman naman kung mayroon ng napiling bagong Papa kapag may puting usok na lumabas mula sa tsimnea kasunod ang pagkalembang ng mga batingaw sa simbahan sa Italy.

Kapag itim ang usok na lumabas sa tsimnea ay wala pang napipiling bagong Santo Papa.

Sa naging kasaysayan ay umaabot sa tatlong araw ang ‘conclave’ bago makapili ng magiging Santo Papa. Ang ibobotong Papa ay ika-265 na successor ni St. Peter. (Ulat ni Mer Layson)

DUMALO

KAPAG

MALALAMAN

MER LAYSON

NAKATUTOK

POPE JOHN PAUL

SANTO PAPA

SISTINE CHAPEL

ST. MARTHA

ST. PETER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with