^

Bansa

WWII veterans nauubos na, pension nila nasaan na?

-
Kinalampag kahapon ng isang mambabatas ang gobyerno kaugnay sa kahirapang nararanasan ng mga beterano na umaabot sa 40 ang namamatay buwan-buwan o nasa 500 isang taon nang hindi man lamang napakinabangan ang inaasam na pensiyon.

Ayon kay VFP party-list Rep. Ernesto Gidaya, pagsapit ng taong 2020 ay tiyak na patay na ang lahat ng beterano na nakipaglaban sa mga Hapon noong World War II.

Sa ngayon aniya, ang pangangailangan ng mga beterano ay may kaugnayan sa basic need at tulong pinansiyal.

Karamihan sa mga beterano na nabubuhay pa sa kasalukuyan ay nasa late 70s o mid-80s na ang edad at hindi na kayang magtrabaho.

Kalimitan din na sa pensiyong tinatanggap ng mga beterano umaasa ang kanilang pamilya kabilang na ang mga apo.

Pero may mga pensiyon aniyang hindi natatanggap ng mga beterano dahil sa kawalan ng pondo ng gobyerno.

Inihalimbawa ni Gidaya ang R.A. 7696 na naaprubahan noong 11th Congress at naglalayong bigyan ng P1,700 karagdagang pensiyon ang mga beteranong umabot na sa 70 ang edad pero hindi naman naipatutupad.

Kahit isa aniya sa 80,000 kuwalipikadong beterano ay hindi nakikinabang sa nasabing batas dahil wala naman itong pondo.

Idinagdag ni Gidaya na maliwanag na hindi pinapahalagahan ng gobyerno ang mga beterano na nagtanggol sa bansa laban sa mga Hapon.

Binabalewala rin aniya ng bansang Amerika ang nagawang tulong ng Filipino veterans dahil hindi ibinibigay ang mga ipinangakong pinansiyal na tulong sa mga ito bagaman at ang giyera noong World War II ay sa pagitan ng Amerika at Japan.

"Sana naman kumilos na ang gobyerno at bigyang-pansin ang kalagayan ng mga beterano bago sila maubos," pagtatapos ni Gidaya. (Malou Rongalerios)

AMERIKA

AYON

BETERANO

ERNESTO GIDAYA

GIDAYA

HAPON

MALOU RONGALERIOS

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with