Tipid-gas gadget dadalhin na ni Sen. Drilon sa Malacañang
April 18, 2005 | 12:00am
Bibitbitin na patungong Malacañang ni Senate President Franklin Drilon ang Filipino invention na Khaos Super Turbo Charger (KSTC) upang susugan na isa ito sa alternatibong solusyon para masugpo ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa.
"Naipangako ko na kay Pablo (Planas) na iharap ito kay President Gloria Macapagal-Arroyo upang masolusyunan ang ating problema sa gasolina," ani Drilon sa paglulunsad ng KSTC para naman sa motorsiklo sa Manila Yacht Club sa Roxas blvd. kamakailan.
Ang KSTC (www. khaos.ph) para sa motorsiklo ay nagkakahalaga ng P1,690 bawat isa. Inilabas ito ng imbentor na si Planas bunsod na rin ng matinding kahilingan ng mga tricycle drivers nang malamang epektibo ang naunang tipid-gas gadget na para sa mga de-gasolinang sasakyan na nagkakahalaga naman ng P6,500.
Ayon kay Drilon, panahon na para kilalanin ng pamahalaan ang imbensiyon ni Planas, lalot patuloy na namomroblema ang pamahalaan at mamamayan sa patuloy na pagtaas sa presyo ng langis.
"Kung mabibigyan lang natin ito ng suporta, uunlad ang Pilipinas," sabi pa ng Senate president.
Sinabi pa rin ni Drilon na dapat pang tumanggap ng kakaibang pagkilala si Planas na isa lamang dating tsuper at mekaniko.
Hindi kasi ito nasilaw sa multi-milyong pisong alok ng bansang Amerika para lamang ibenta ang "formula" ng kanyang imbensiyon. Katwiran ni Planas, "Bayan muna bago ang banyaga".
Dahil dito ay lalong napahanga si Drilon sa pagiging makabayan ng imbentor. Kakaiba raw kasi ito sa nangyaring imbensiyon na fluorescent bulb ng Filipino inventor na si Engr. Agapito Flores na sumikat matapos ibenta sa Amerika ang kanyang produkto.
Hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang pagtaas ng presyo ng gasolina.
Naglunsad na ng kilos-protesta ang mga driver sector noong nakalipas na linggo at nakatakdang magwelgang muli ngayong araw dahil kung patuloy umanong tataas ang presyo ng gasolina, lalo lamang malulugmok sa kahirapan ang bansa. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am