Ito ay matapos pagtibayin ng House Committee on Housing and Urban Development ang panukala ni Villar na nakahain ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
"Ang programang-pabahay ng gobyerno ay dapat na bagayan ng malinis na kapaligiran. Kaya, tama lamang na maglaan ang bawat subdibisyon maging ito man ay residential, commercial at industrial ng bakanteng lote na pagtatamnan ng mga puno at halaman upang ito ay maging parke," ani Villar.
Sa ilalim ng panukala, mahigit sa 30 puno ang itatanim sa bawat ektaryang sakop ng isang subdibisyon. Kapag tuluyang naging batas, ang mga naitayo nang subdibisyon bago pa man ang panukala ay masasakop na rin ng Green Parks Act.
Ang mga homeowners association na magtatayo ng green parks sa kanilang subdibisyon ay makakakuha ng libreng buto at halamang itatanim mula sa DENR at DA. Maglalaan din ng libreng gamit at artesian wells ang naturang mga departamento para sa pagmimintina ng naturang mga parke. (Malou Rongalerios)