^

Bansa

Buong bansa lumpo!

- Edwin Balasa -
Tuloy na tuloy na ang second round ng malawakang tigil-pasada makaraang sumuporta lahat ang mga malalaking transport leaders mula kamaynilaan at mga probinsiya para sa isang nationwide transport strike ngayong araw na ito.

Pangungunahan ito ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper Opereytors Nationwide (PISTON) na pinamumunuan ni Mar Garvida, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Phils. (FEJODAP) ni Zenaida Maranan, Phil. Confederation of Drivers-Assn. of Concerned Transport (PCDO-ACTO) ni Efren de Luna, Integrated Metro Bus Operators Assn. (IMBOA) ni Claire dela Fuente at Makati Jeepney Operators and Drivers Assn. (MJODA) ni Orlando Marquez.

Ayon kay George San Mateo, tagapagsalita ng PISTON, pangunahin nilang paparalisahin ang mga biyahe sa Cubao, Aurora Blvd. sa Quezon City; Monumento Grand Central sa Caloocan; Alabang Central Terminal; Welcome Rotonda, Novaliches, Kamias-Kalayaan sa QC; Pier, Pasig, Marikina, Mandaluyong, Taytay at Angono sa Rizal.

Sasabay din sa welgang bayan ang mga probinsiya sa Central Luzon, Dagupan City, Metro Baguio, Cagayan Valley, Southern Tagalog, Bicol, Cebu, Negros, Panay, Eastern Visayas, Cagayan de Oro, Caraga Region, Cotabato, General Santos at iba pang sentrong lungsod at bayan.

Layon ng tigil-pasada na tutulan ang linggu-linggong pagtaas ng presyo ng krudo na napag-alamang tumaas na naman ng 75 sentimos kamakalawa ng gabi at ang tuluyang pagbuwag ng Oil Deregulation Law.

Ayon naman kay Anakpawis deputy secretary general Sammy Malunes na hindi kakayanin ng ordinaryong tsuper at operator at maging ang mga pasahero ang karagdagang pagtaas ng presyo ng langis lalo’t hindi naman nagtaas ng sahod ang mga manggagawa, kawalan ng trabaho, dagdag na buwis at mataas na presyo ng bilihin.

Napag-alaman din na napipinto na namang magtaas ng mahigit na P4 sa krudo, P6 sa gasolina hanggang sa buwan ng Mayo ngayong taon habang mahigit P25 naman kada 11kg ng tangke ng LPG.

"Mahigit pitong pagtaas na sa presyo ng langis ang naranasan sa loob pa lamang ng apat na buwan, bale-wala na ang maliit na sinasahod ng mga manggagawa dahil kinakain na ito para sa gastusin para sa pamasahe at pagkarga ng krudo kaya maging ang pudpod at kalyuhing paa ng mga Pilipino ay nanaisin na lamang maglakad sa kalsada dahil hindi na kakayaning magbayad ng pamasahe," saad ni Malunes.

Samantala, nagbabala naman si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Gen. Avelino Razon Jr. na aarestuhin ng pulisya ang mga drayber na makikitang nanghaharang ng mga drayber na namamasada at yung mga nagsusunog ng gulong sa gitna ng kalsada.

Kaugnay nito, maglalabas din ang MMDA ng mga sasakyan upang magsagawa ng libreng sakay sa mga commuters na mai-stranded sa kalsada.

Maximum tolerance pa rin ang ipatutupad ng PNP sa mga magsasagawa ng tigil-pasada.

ALABANG CENTRAL TERMINAL

AURORA BLVD

AVELINO RAZON JR.

AYON

CAGAYAN VALLEY

CARAGA REGION

CENTRAL LUZON

CONCERNED TRANSPORT

DAGUPAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with