^

Bansa

Boto ng OFWs ikokonsidera sa poll protest ni Loren

-
Inatasan ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sina Vice Pres. Noli de Castro at dating Senadora Loren Legarda na maghain ng kanilang argumento sa loob ng 10 araw kung dapat o hindi isama sa bilang ang boto ng mga overseas Filipino workers sa ibang bansa.

Sa liham ni Comelec Commissioner Florentino Tuason na may petsang January 21, 2005, nais ng election court na linawin kung dapat pa bang isama sa isasagawang preparasyon ng balota ang mga boto ng OFWs, partikular sa Saudi at Hong Kong.

Magugunita na nagsumite ng kanyang election protest sina FPJ at Legarda dahil sa umano’y talamak na pandaraya na ginawa umano ng Arroyo administrasyon upang matiyak ng mga ito ang kanilang panalo noong nagdaang May 10, 2004 Presidential elections.

Sa kanilang isinumiteng protesta, sinabi ng kampo ng oposisyon na mayroong 10,554 na presinto ang umano’y sangkot sa dagdag-bawas kung saan dapat umanong magkaroon ng panibagong bilangan at kung susumahin ay lalabas na 118,399 presinto sa buong bansa ang nagkaroon ng dayaan noong nasabing eleksyon.

Tanging ang election protest na lamang ni Legarda ang dinidinig sa PET, matapos na ibasura nito ang poll protest ni Da King. (Ulat ni Grace dela Cruz)

COMELEC COMMISSIONER FLORENTINO TUASON

CRUZ

DA KING

HONG KONG

INATASAN

LEGARDA

MAGUGUNITA

PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL

SENADORA LOREN LEGARDA

VICE PRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with