Asawa ng QC judge gigisahin sa Kongreso
April 16, 2005 | 12:00am
Pumasok na sa imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay ng napaulat na land at forest grabbing sa Solana, Cagayan na kagagawan umano ng isang abogado na asawa ng isang hukom sa Quezon City Regional Trial Court.
May titulong "Calling for the Investigation, in aid of legislation, on the proliferation of titling syndicates and land grabbing throughout the Philippines taking as a case in point the alleged forest grabbing issue in Solana, Province of Cagayan" ang isinumiteng House Resolution Number 727 na inisponsor ng may 37 congressman sa pangunguna ni Rep. Rodolfo Valencia.
Ayon kay Rep. Valencia, 1st District ng Oriental Mindoro, posibleng ipapatawag nila sa Kongreso si Atty. Victor Padilla na siyang itinuturong kumakamkam sa may 375 ektaryang forestry reserve land sa Brgy. Maguirig, sa Solana.
Si Padilla, mister ni QCRTC Judge Maria Luisa Quijano Padilla ay siyang itinuturo at inirereklamo ng may 100 pamilya na pawang magsasaka sa Brgy. Maguirig na umaangkin sa patrimony property ng bansa.
Ang grupo ng may 100 indigent families sa pangunguna ng mag-amang Rogelio, 63; at Jose Malana, 39, ay napilitang magpasaklolo sa Kongreso dahil sa ibat ibang uri ng pananakot mula umano sa mga armadong tauhan ni Padilla at sapilitang pinapalayas sa nasabing lupain na mahigit 30 taon na nilang tinitirahan. Nang tumangging umalis ang mga magsasaka ay dinukot umano at ikinulong ang mag-ama at pinagbantaang papatayin kapag hindi pa umalis sa lugar.
Una na ring nagharap ng kasong kidnapping, serious illegal detention, grave threats, coercion, incriminating innocent person sa DOJ ang mag-ama laban kay Padilla. (Ulat nina MRongalerios/Gdela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest