Allowance ng sundalo,pulis,bumbero at jailguard itinaas
April 15, 2005 | 12:00am
Pumasa na sa House committee on national defense ang panukalang batas na naglalayong itaas sa P120 ang daily subsistence allowances ng mga sundalo, pulis, bumbero at jail guards.
Inaprubahan ng 11 miyembro ng komite ang panukala upang maging P120 ang kasalukuyang P60 na tinatanggap na subsistance allowance na hindi na sapat para sa kasalukuyang pamumuhay.
Ayon kay Northern Samar Rep. Harlin Cast Abayon, awtor ng panukala, noon pang 1998 huling nadagdagan ang allowance ng mga sundalo, pulis, bombero at jailguard kung saan naging P60 ang dating P30 daily allowance.
Sa sandaling maging isang ganap na batas, makikinabang rin ang Moro National Liberation Front (MNLF) integrees dahil nadagdagan din ang kanilang subsistence allowance. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am