Sinabi ni AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Buenaventura Pascual, ito ang kauna-unahang pagkakataon na binawi ng liderato ng AFP ang estrelya ng isang heneral at ipinababalik ang naging kalabisan ng naging suweldo at lahat ng naging benepisyo nito sa naturang ranggo.
Tinanggalan ng estrelya si ret. Major General Ralph Flores ng Phil. Air Force na naging Brigadier General at Major General epektibo noong Hulyo 18, 2002 at Abril 15, 2003 ayon sa pagkakasunod dahil sa pamemeke ng birth certificate kung saan ay dapat nagretiro itong colonel at hindi na umabot pa sa nasabing mataas na posisyon.
Ayon kay Pascual, nagdesisyon ang AFP na bawiin ang estrelya at balewalain ang appointment ni Flores bilang isang heneral at ituring itong full and void dahil hindi ito karapat dapat na maitalaga bilang heneral dahil sa kanyang edad.
"All salaries, allowance and benefits he received after March 30, 2002, the date of his separation from the military service, shall be return by him. All military awards conferred upon him after that date shall be withdrawn", ani Pascual.
Nagawang magtagal pa sa serbisyo at ma-promote si Flores matapos nitong dayain ang kaniyang kapanganakan na idineklara nitong Marso 30, 1949 o pagpapabata ng dalawang taon sa halip na Marso 30, 1946 na kanyang tunay na kapanganakan. (Ulat ni Joy Cantos)