^

Bansa

Balasahan sa Gabinete nakaumang

-
Kinumpirma ng Malacañang na magkakaroon ng pagbalasa sa hanay ng Gabinete ni Pangulong Arroyo sa susunod na buwan.

Nagbigay kahapon ng posibilidad si Executive Secretary Eduardo Ermita na ilan sa mga miyembro ng Gabinete ang magagalaw at mapapalitan sa puwesto.

Gayunman sinabi ni Ermita na sensitibo ang Pangulo sa pagpili dahil sa mga opisyal na maapektuhan at sa posibleng maputakti ang tanggapan nito sa pagla-lobby ng ilang indibidwal.

Unang ikinokonsidera ng Palasyo na bigyan ng puwesto sa Gabinete ang mga talunang kandidato ng nagdaang May 2004 national elections. Magtatapos na sa susunod na buwan ang ban sa pag-appoint sa mga talunang kandidato ng nagdaang halalan.

Matunog ang mga pangalan nina ex-Sen. Robert Barbers bilang hepe ng BI at dating Sen. Robert Jaworksi na inirekomenda ni Peping Cojuangco sa Philippine Sports Commission. (Ulat ni Ellen Fernando)

ELLEN FERNANDO

ERMITA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

GABINETE

GAYUNMAN

PANGULONG ARROYO

PEPING COJUANGCO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

ROBERT BARBERS

ROBERT JAWORKSI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with