Base sa pag-aaral na isinagawa ng Cyber Dyaryo, sa walong high exposure areas na natukoy sa pamamagitan ng geographic information system, 24-oras araw-araw, ang hangin ng kapaligiran ay nagtataglay ng 83.3 Augm3 (micrograms per cubic meter) mga dumi o mikrobyong nakakalat sa nalalanghap nating hangin minu-minuto.
Bukod sa mga maruruming usok na ibinubuga ng mga pabrika at iba pang establisimento, sinasabing isa rin sa pangunahing dahilan ng pagdumi ng hangin ay ang patuloy na pagdami ng bilang ng mga sasakyan sa kalsada.
Ang pag-aaral na ito ay nakarating na sa kaalaman ni Department of Environment and National Resources (DENR) Sec. Mike Defensor.
Kaya nga lahat ng paraan ay ginagawa ng sekretaryo ngayon para matukoy at makaisip ng alternatibong paraan para masugpo ang problema ng air pollution sa bansa. Sa problemang ganito, may isang solusyon nakikita si Defensor.
Itoy ang paggamit ng natuklasang tipig-gas gadget ng Filipino inventor na si Pablo Planas, isang dating jeepney-driver-operator na tinitingala ngayon saan mang panig ng mundo dahil sa imbensiyong Khaos Super Turbo Charger (KSTC).
Inamin ni Defensor na napahanga siya sa bagong tuklas na imbensiyon. Nasaksihan niya mismo kung papaano nagiging matipid sa konsumo ng gasolina ang mga sasakyang nakakabitan ng KSTC (www.khaos.ph) ni Planas. Bukod dito, ginagarantiya sa isinagawang pag-aaral ng DENR na ang tipid-gas gadget ni Planas ay nagbibigay ng zero pollution.
Limang sasakyan ang pinakabitan ng DENR ng KSTC at lumitaw na ang ibinubugang usok nito ay 0.05 emmisions kumpara sa 4.5 emmision standards na panuntunan ng Clean Air Act sa ngayon.
Dahil dito, ikinokonsidera na ng tanggapan ng DENR na pinag-aaralan na rin nila ngayon kung dapat bang i-exempt sa emmision testing bilang requirements sa pagpaparehistro ng sasakyan ang mga kotseng mayroong KSTC. (Ulat ni Angie dela Cruz)