^

Bansa

Ex-Cong. Lanot patay sa ambush

-
Patay si dating Pasig City Congressman Henry Lanot makaraang barilin ito sa sentido ng isang pinaghihinalaang hired killer habang kumakain sa loob ng isang restaurant kahapon ng hapon sa Pasig City.

Si Lanot ay binawian ng buhay ilang minuto matapos isugod sa Rizal Medical Center sanhi ng isang tama ng hindi pa batid na kalibre ng baril na kinabitan ng silencer sa kaliwang bahagi ng sentido.

Sa panayam ng PSN kay Romeo Santos, dating kongresista ng Caloocan City at kaibigan ni Lanot, pasado ala-una ng hapon habang kumakain silang dalawa sa kanang bahagi ng unang palapag ng Jade Palace Restaurant na nasa kahabaan ng Pasig blvd. Brgy. Bagong Ilog ng makarinig na lang siya ng isang mahinang putok. Nang tingnan niya ay nakabulagta na si Lanot at papalabas naman ang nag-iisang suspek na may katamtaman ang taas, nakasuot ng itim na pantalon at light t-shirt habang isinusukbit sa baywang ang baril na ginamit.

"Hindi ko napansin kung saan galing yung bumaril kung sa loob ba o sa labas ng restaurant kasi abala kami pareho ni Henry (Lanot) sa pagkain ng maganap yung pamamaril, wala akong nagawa kundi tumakbo habang tinitingnan ko siya papalabas," pahayag ni Santos sa PSN.

"Nauna akong dumating dito sa restaurant alas-12 pa lang nandito na ako kasi may meeting kami, si Henry dumating mga 12:30, lagi kasing late yun tuwing may meeting, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa kasi tinawagan ako ng isa kong kaibigan na patay na siya", dagdag na pahayag ni Santos.

Hindi naman agad kinumpirma ni Eastern Police District (EPD) Director Gen. Oscar Valenzuela kung patay na si Lanot subalit sinabi nito na inaatasan niya si Sr. Supt. Raul Medina, hepe ng Pasig Police na magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa insidente.

Matatandaang si Lanot ay naging Congressman ng dalawang termino sa lungsod ng Pasig. Tumakbo itong Mayor ng nasabing lungsod noong May 11, 2004 election subalit natalo siya kay incumbent Mayor Vicente "Enteng" Eusebio na kasalukuyang nasa bakasyon sa Estados Unidos.

Pulitika ang isa sa sinisilip na motibo ng pulisya sa naturang pamamaslang. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BAGONG ILOG

CALOOCAN CITY

DIRECTOR GEN

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

ESTADOS UNIDOS

JADE PALACE RESTAURANT

LANOT

MAYOR VICENTE

OSCAR VALENZUELA

PASIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with