Advance b-day party ni Erap tuloy na
April 13, 2005 | 12:00am
Binaligtad kahapon ng Sandiganbayan Special Division ang naunang desisyon na nagbabasura sa kahilingan ni dating Pangulong Joseph Estrada na magdaos ng advance birthday party kahapon sa kanyang resthouse sa Tanay, Rizal.
Pinagbigyan ng korte ang motion for reconsideration na inihain ng mga abogado ni Estrada matapos sabihin ng Police Security and Protection Office ng PNP na kaya na nitong bigyan ng seguridad ang mga bisita ng dating pangulo.
Hindi naman tumutol ang prosekusyon sa advance birthday party ni Estrada na magdiriwang ng kanyang 68 kaarawan sa Abril 19.
Pero hanggang alas-8 lamang kagabi tumagal ang selebrasyon at tanging mga nasa listahan lamang ang pinapasok sa villa.
Matapos malaman ng mga guests ni Estrada na nagbago ng desisyon ang korte ay agad silang naghanda kahapon upang dumalo sa advance birthday party.
Kabilang sa 43 bisita ni Estrada sina Susan Roces, Dolphy at Zsa-Zsa Padilla. Kasama rin sina Eddie Garcia at asawa nito, Directors Joel Lamangan, Mel Chionglo, Rex Cortez at Niño Muhlach. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am