Ito ang ipinangako ni Pangulong Arroyo sa harapan ng may 500 negosyanteng Tsinoy sa pagdaraos ng ika-25 Biennial Convention ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry (FFCCCI) sa Manila Hotel kamakalawa ng gabi bilang tugon sa kampanya ng pamahalaan laban sa kidnapping.
Sinabi ng Pangulo na bagaman isinusulong ng gobyerno ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MNLF), patuloy nitong ikinakasa ang kanyang armas laban sa mga terorista gaya ng Jemaah Islamiyah at Abu Sayyaf na walang ibang layunin kundi ang maghasik ng terorismo at karahasan kabilang na ang walang humpay na pagdukot sa mga sibilyan.
Sa kanyang keynote address, pinapurihan ng Pangulo ang FFCCCI sa pamumuno ng incoming president na si Francis Chua dahil sa importanteng pagganap ng Chinese business community sa paggawa ng mga trabaho at pagtulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
Binigyan din ng commendation ng Pangulo ang mga negosyanteng Tsinoy dahil sa patuloy na pagsuporta ng mga ito sa mga programa ng Arroyo administration na labanan ang kahirapan sa bansa. (Ulat ni Ellen Fernando)