Ang hakbang ayon sa SSS ay upang ma-obliga ang mga SSS pensioners na makipag-ugnayan muna sa ahensiya upang maisaayos ang status ng mga miyembro nito.
Ayon kay SSS spokesman Joel Palacios, kung namatay na ang pensioner ay ang mga kaanak na lamang nito ang makikinabang sa pension nito.
Alinsunod umano sa SSS rules, kapag namatay na ang isang pensioner o muling mag-asawa, o nasa labas na ng bansa, ang pension ng mga ito ay agad na puputulin ng ahensiya.
Umaabot sa 21,000 pensioners umano ang hindi na nakukuha sa bansa ang kanilang pension.
Upang maiwasan anya ang gusot sa pagkakaloob ng pension sa mga pensioners, gagawin nila tuwing sa ika-2 at ika-4 na Huwebes ng bawat buwan ng Abril at Mayo ang pag-iisyu ng pensioners nationwide.
May 1 milyon na ang pensioners nationwide noong 1991 at tumataas ito ng 10 porsiyento kada taon. (Ulat ni Angie dela Cruz)