^

Bansa

Pension ng retiradong SSS members itinigil

-
Pansamantalang sinuspinde ng Social Security System (SSS) ang pagkakaloob ng pension sa mga retiradong miyembro nito nationwide na ang account ay nasa bangko at hindi nakukuha ng mahigit isang taon.

Ang hakbang ayon sa SSS ay upang ma-obliga ang mga SSS pensioners na makipag-ugnayan muna sa ahensiya upang maisaayos ang status ng mga miyembro nito.

Ayon kay SSS spokesman Joel Palacios, kung namatay na ang pensioner ay ang mga kaanak na lamang nito ang makikinabang sa pension nito.

Alinsunod umano sa SSS rules, kapag namatay na ang isang pensioner o muling mag-asawa, o nasa labas na ng bansa, ang pension ng mga ito ay agad na puputulin ng ahensiya.

Umaabot sa 21,000 pensioners umano ang hindi na nakukuha sa bansa ang kanilang pension.

Upang maiwasan anya ang gusot sa pagkakaloob ng pension sa mga pensioners, gagawin nila tuwing sa ika-2 at ika-4 na Huwebes ng bawat buwan ng Abril at Mayo ang pag-iisyu ng pensioners nationwide.

May 1 milyon na ang pensioners nationwide noong 1991 at tumataas ito ng 10 porsiyento kada taon. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ABRIL

ALINSUNOD

ANGIE

AYON

CRUZ

HUWEBES

JOEL PALACIOS

PANSAMANTALANG

SOCIAL SECURITY SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with