Pagbasura sa Oil Deregulation Law unahin
April 12, 2005 | 12:00am
Dapat na isantabi muna ng Kongreso ang pagtalakay sa dagdag na Value Added Tax (VAT) at unahin ang pagbasura sa Oil Deregulation Law.
Ito ang sinabi kahapon ni Gabriela Rep. Liza Maza kaugnay sa nagbabanta na namang mahigit na P2.00 kada litrong pagtaas sa presyo ng diesel at P1.00 naman sa gasolina.
Ayon kay Maza, kung matutuloy ang pagpasa ng VAT ay siguradong magsusunod-sunod na rin ang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
"Napakabigat na para sa mga mamamayan ang lingguhang pagtaas sa presyo ng langis. Dadagdagan pa ba naman natin ito?" tanong ni Maza.
Hindi aniya napapanahon at hindi makatarungan ang dagdag na VAT kaya mas dapat unahin ang pagbasura sa Oil Deregulation Law.
"Sa halip na pagkunutan ng noo ang panukalang VAT ay unahin na sa agenda ng mga mambabatas ang panukalang batas para ibasura ang Oil Deregulation Law," ani Maza. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended