Legalidad ng pagtatanim ng marijuana isinusulong
April 12, 2005 | 12:00am
Nakahanda si Ifugao Rep. Solomon Chungalao na muling isulong ang panukalang batas na magbibigay daan upang maging legal ang pagtatanim ng marijuana matapos magbanta ang 117,000 magsasaka sa Benguet na ito na lamang ang kanilang itatanim sa halip na gulay dahil sa patuloy na vegetable smuggling.
Ayon kay Chungalao, posibleng naging bukas na ang isipan ng mga magsasaka sa Benguet sa posibilidad nang pagtatanim ng marijuana bilang alternatibong pagkakakitaan dahil bagsak ang industriya ng gulay.
Sinabi ni Chungalao na noong unang ipinanukala niya ang pagtatanim ng marijuana ay agad siyang kinondena ng mga magsasaka sa Benguet kaya iniurong niya ito.
Pero kung susuportahan na aniya siya ng mga magsasaka ay itutuloy niya ang paghahain ng panukalang batas na magiging daan upang maging legal ang pagtatanim ng marijuana sa Ifugao rice terraces.
Idinadaing ng 117,000 magsasaka sa 13 bayan ng Benguet ang pagbagsak ng industriya ng gulay dahil sa patuloy na pagpasok ng mga imported na gulay na nagmula sa ibang bansa.
Nagbanta ang mga magsasaka na marijuana na lamang ang kanilang itatanim kung hindi kikilos ang gobyerno at hindi sila tutulungan sa kanilang kalagayan.
Magugunitang nauna nang isinulong ni Chungalao na gawing legal ang pagtatanim ng marijuana dahil maaari itong gamitin bilang gamot o para sa "medical purposes". Legal na aniya sa ibang bansa ang paggamit ng marijuana at puwede namang magbuo ng batas ang gobyerno upang hindi ito maabuso. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am