Mga tren, istasyon ng LRT 1 at 2 tatambakan ng ads
April 9, 2005 | 12:00am
Upang makalikom ng kinakailangang pondo, bubuksan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang kanilang mga coaches at station sa mga nais na maglagay ng advertisement sa LRT 1 at 2.
Inamin ni LRTA administrator Mel Robles na nangangailangan sila ng pondo para sa lumalaking gastusin ng LRT lalot nagmamahalan na umano ang presyo ng piyesa ng kanilang mga tren at aabot sa P80 milyon ang kikitain nila sa naturang proyekto.
Hindi pa kumpirmado kung kailan ang idaraos ng bidding para sa mga ad spaces na gagawin sa LRTA office.
Ang naturang program ay ginawa na sa MRT na tumatakbo sa kahabaan ng EDSA.
Ang LRTA ang nag-ooperate ng LRT1 o Yellow Line na tumatakbo mula Baclaran hanggang Bonifacio Monument sa Caloocan at LRT2 o Purple Line na tumatakbo mula Pasig hanggang Recto.
Gagamitin umano ang nalilikom na pondo para sa pagsasaayos ng mga tren at pagbabayad ng mga obligasyon ng LRTA gaya ng kuryente. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am