^

Bansa

Sa libing ng Santo Papa: Buong mundo nagkaisa

-
Nagkaisa ang buong mundo sa sama-samang paghahatid sa kanyang huling hantungan kay Pope John Paul II na itinuturing na pinakamalaking funeral sa loob ng ilang daang taon sa kasaysayan ng Roman Pontiff.

Limang milyong Katoliko na kinabibilangan ng may 200 head of states ang nakiisa kabilang sina Britain Prince Charles; Belgium King Albert II at Queen Paola; Denmark Queen Margarethe at Prince Henry; Norway Queen Sonja; Spain King Juan Carlos and Queen Sophia; US President George Bush; Arab League Secretary General Amr Moussa Armenia; UN Secretary General Koffi Annan at ang Presidente ng Pilipinas si Gloria Macapagal-Arroyo.

Mistulang nakidalamhati rin ang mga mananampalatayang Islam dahil para sa kanila ang pagyao ng Santo Papa na isang mataas na religious leader ay malaking kawalan sa ugnayang namagitan sa Muslim at bilyong Kristiyano sa iba’t ibang panig ng mundo.

Tulad ng karaniwang misa, nagkaroon ng mga pagbasa sa Bibliya bago pinal na inilagay ang labi ng Santo Papa sa Grotto sa ilalim ng St. Peter Basilica bandang alas-4 ng hapon sa Vatican.

Naging mahigpit din sa pagpapatupad ng seguridad ang pamunuan ng Vatican upang matiyak ang kaligtasan ng mga pinuno ng mga bansang nakidalamhati sa pagkamatay ng Holy Pope.

Ilang araw bago ang libing ay idineklara ng Vatican ang no-fly zone sa paligid at bisinidad ng naturang lungsod.

Nakasaad sa last will and testament ng Papa na isinalin sa wikang English mula sa orihinal na pagkakasulat nito sa Polish na mayroong petsang March 6, 1979 na ilibing siya sa kanyang bansang sinilangan, ang Poland subalit ipinaubaya na lamang niya sa College of Cardinal ang desisyon kung saan siya nararapat na iburol.

Nakasaad pa sa last will ang pagpapasalamat ng Papa sa Diyos na kahit na wala siyang kayamanan na maaring ibigay ay hiniling nito na ipamahagi ang kanyang mga ginagamit sa araw-araw samantalang ang kanyang personal na sulat ay susunugin.

Pinasalamatan nito ang kanyang mga magulang at mga kapatid kahit hindi na niya ito nakita dahil sa namatay ito bago siya isilang, komunidad sa Wadowie kung saan siya binautismuhan, mga kaibigan mula elementary hanggang high school sa unibersidad at hanggang sa mga katrabaho sa kasalukuyan at sa Roma.

Sa huling sulat, sinabi nito ang mga katagang "May God reward you". "In manus, tuas, Domine, commendo spiritum meum" na ang ibig sabihin ay "In your hands, Lord, I commend my spirits."

Si Pope John Paul II ang may pinakamahabang termino ng pamumuno sa Simbahang Katoliko na tumagal ng 26 na taon. (Ulat nina Gemma Garcia at Grace dela Cruz)

ARAB LEAGUE SECRETARY GENERAL AMR MOUSSA ARMENIA

BELGIUM KING ALBERT

BRITAIN PRINCE CHARLES

COLLEGE OF CARDINAL

DENMARK QUEEN MARGARETHE

GEMMA GARCIA

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HOLY POPE

SANTO PAPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with