Ang mga inireklamo dahil sa hindi pagbabayad ng buwis sa DOJ ay ang mga opisyales ng Italcar-Francisco Motors Corporation na sina Jorge Francisco at Antonio Caringal.
Ang Francisco Motors Corporation-Las Piñas ang gumawa ng Pope mobile na sinakyan ni Poe John Paul II nang magtungo ang Santo Papa noong 1995 para sa World Youth Day.
Inakusahan ng DOF at BIR ang mga opisyal ng Francisco Motors ng misdeclaration of income, non-remmitance ng witholding tax at sobra-sobrang pagdedeklara ng deductions sa kanilang kita noong 1999.
Ang ginamit na Pope mobile ay kasalukuyang naka-display sa Quiapo church. (Ulat ni Grace dela Cruz)