Gumawa ng Pope mobile kinasuhan sa DOJ
April 8, 2005 | 12:00am
Kinasuhan ng Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang kumpanya na gumawa ng Pope mobile na sinakyan ng yumaong Santo Papa nang dumalaw ito sa bansa para sa World Youth Day noong 1995.
Ang mga inireklamo dahil sa hindi pagbabayad ng buwis sa DOJ ay ang mga opisyales ng Italcar-Francisco Motors Corporation na sina Jorge Francisco at Antonio Caringal.
Ang Francisco Motors Corporation-Las Piñas ang gumawa ng Pope mobile na sinakyan ni Poe John Paul II nang magtungo ang Santo Papa noong 1995 para sa World Youth Day.
Inakusahan ng DOF at BIR ang mga opisyal ng Francisco Motors ng misdeclaration of income, non-remmitance ng witholding tax at sobra-sobrang pagdedeklara ng deductions sa kanilang kita noong 1999.
Ang ginamit na Pope mobile ay kasalukuyang naka-display sa Quiapo church. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am