^

Bansa

Israeli nagwala, 4 Australian dinisarmahan

-
Nag-amok kahapon ang delegado ng Israel sa isinagawang Inter-Parliamentary Union (IPU) summit nang magalit dahil sa hindi ibinigay sa kanya ang idinepositong ‘service firearm’ sa PICC kahapon ng tanghali.

Kasabay nito, apat na delegado naman mula sa bansang Australia ang dinisarmahan ng tropa ng Task Force Parliament dahil sa pagpupumilit na maipasok ang mga dalang baril.

Ayon kay PO1 Melody del Rosario, isa sa mga pulis na nakatalaga sa main entrance ng PICC, nagalit ang Israeli na si Dan Loviv nang tumanggi silang ibigay ang isa sa mga baril na idineposito ng kanyang kasamahan.

Ikinatwiran ni del Rosario na ang baril lamang ni Loviv ang puwede nilang ibalik, ngunit ang kine-claim ng mga itong 9mm caliber na para naman kay Abby Giueta ay hindi nila maaaring ibalik.

Katwiran ni del Rosario, isasauli lamang nila ang baril sa taong nagdeposito.

Dahil sa pagwawala, napilitan din ang mga pulis ng Task Force Parliament na ibalik ang baril ni Giueta kahit wala ito dahil gumagawa na umano ito ng iskandalo sa loob ng PICC building.

Bago umalis, nagsasalita pa umano si Loviv na mas mabuti pa umanong mag-iwan ng baril sa kalsada kaysa ihabilin ang kanilang mga baril sa pulis ng Pilipinas.

Nauna rito, apat na Australian delegates naman ang dinisarmahan sa IPU assembly matapos namang ipilit na ipasok ang kani-kanilang mga baril sa loob ng plenaryo.

Sinabi ni Task Force Parliament-PICC Ground Commander Supt. Jose Macanas na bahagi lamang ng Standard Operating Procedure ang ipinapadeposito nilang baril. Hindi anya maiwasang may mga delegado ang naiinis sa ipinatutupad nilang seguridad. "Kapag naiinis sila, ibig sabihin effective iyong security measures namin. Okey na iyong magalit sila sa sobrang higpit kaysa naman magalit sila sa sobrang luwag. At least maayos ang security natin hanggang ngayon," sabi pa niya.

Nauna rito, nagmimistulang nakikipagpatintero ang sa mga pulis sa PICC sa ilang IPU delegates. Ito’y dahil sa tumanggi umano ang iba na ideposito ang mga dala nilang baril.

Kung matatandaan, pitong delegado ng Egypt ang nagwala rin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang magalit dahil sa pilit silang kinakapkapan ng mga awtoridad doon. (Ulat nina Rudy Andal)

ABBY GIUETA

BARIL

DAN LOVIV

GROUND COMMANDER SUPT

INTER-PARLIAMENTARY UNION

JOSE MACANAS

LOVIV

NAUNA

TASK FORCE PARLIAMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with