Abugado kinasuhan sa DOJ
April 7, 2005 | 12:00am
Kinasuhan ng kidnapping sa Department of Justice (DOJ) ang isang abogado ng mag-amang magsasaka sa Solana, Cagayan.
Sa 3-pahinang reklamo sa DOJ, sinampahan ng mag-amang Rogelio at Jose Malana, si Atty. Victor Padilla, asawa ni Quezon City Regional Trial Court Judge Maria Luisa Quijano-Padilla, ng mga kasong serious illegal detention, grave threats, grave coercion at incriminating innocents.
Batay sa reklamo, tinakot umano ni Atty. Padilla ang pamilya Malana noong taong 1998 ng bigla na lamang sumulpot ang grupo nito sa kanilang lugar at mabilis na pinabakuran nito ang dating opisina ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng magsagawa ng reforestation ito sa nasabing bayan.
Anila, unang ginagawang , modus operandi ni Padilla ay ang pagtatayo muna ng kooperatiba para mapanatili ang mga tao sa Barangay Maguirig ng nasabing lalawigan.
Sa kabila ng pananakot ay hindi pa rin umanong umalis ang pamilya Malana sa nabanggit na lugar dahil sa malaki na rin ang kanilang pinagpaguran sa kanilang pananim dito.
Noong Hunyo 2000, bigla na lamang umanong inimbitahan ng isang nagpakilalang pulis, kasama ang katiwala ni Padilla na nakilalang si Mario Pagulayan, ang matandang Malana ay ikinulong sa dating opisina ng DENR, kung saan dito nakatira ang mga tauhan ni Padilla.
Pinilit umano si Malana na papirmahin sa isang kasulatan ngunit hindi ito sinunod ng biktima at binantaan pa siyang babarilin paglabas ng bakuran.
Nabatid na nag-imbento pa umano ng kasong illegal logging si Atty. Padilla upang maidiin at gipitin ang mag-amang Malana, ngunit ito ay ibinasura lamang ng Tuguegarao Prosecutors Office dahil sa kawalan ng merito.
Kasabay nito, nagharap din ng kasong perjury ang mag-amang Malana laban kay Pagulayan dahil sa pagbibigay ng pekeng pahayag laban sa kanila upang maidiin sa kasong illegal logging. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest