Re-appointment ng DOJ chief pinalagan
April 4, 2005 | 12:00am
Hindi na umano dapat na ire-appoint pa ni Pangulong Arroyo si bypassed acting Justice Sec. Raul Gonzales bilang abogado matapos mapatunayang guilty sa kasong contempt of court.
Ito ang ipinunto kahapon ni Atty. Bonifacio Alentajan, dating pangulo ng UP Law Alumni Association (UPLAA), kasabay ng pagsasabing kung sa paningin ng Korte Suprema ay hindi nararapat maging officer ng korte at miyembro ng Bar si Gonzales, lalo nang hindi ito karapat-dapat na maging Justice sec. dahil aniyay mapapariwara ang administrasyon ng hustisya sa bansa.
Matindi rin ang kasong kinakaharap ni Gonzales, na kumumbinsi sa Commission on Appointment na iby-pass ang appointment nito. Kasama sa mga kasong ito ang tax evasion.
Sinabi ni Alentajan na iisipin ng publiko na isang sacred cow ng administrasyon si Gonzales kung muli itong ia-appoint ng Pangulo matapos ma-bypass dahil sa pagkabigong isumite ang kanyang income tax return para sa 2002.
Kabilang sa tumutol sa kumpirmasyon ni Gonzales ang Integrated Bar of the Philippines (IBP).
Ang reklamo ng IBP ay bunsod ng pagyayabang raw ni Gonzales na kaya siya na-appoint sa DOJ ay bilang kabayaran sa kanyang "mahalagang papel" sa bilangan ng boto sa pagkapangulo noong May 2004 elections. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest