^

Bansa

Papalit kay Pope pinipili na

-
Sa kabila ng patuloy na panalangin ng libu-libong Katoliko sa buong mundo, pinaghahandaan na ng Vatican ang pagpili sa papalit kay Pope John Paul II sa sandaling bawian ito ng buhay.

Ayon sa Vatican, patuloy sa paglala ang kondisyon ng Santo Papa at hirap na ito sa paghinga at mabilis na bumababa ang blood pressure. Hindi na rin stable ang function ng heart at kidney nito.

Nagbigay na ng kanyang huling kahilingan at habilin ang Santo Papa na kung sakaling tuluyan nang kunin ng Diyos ay ibalik at ilibing siya sa Poland kung saan dito siya nagsilbi bilang arsobispo bago naihalal bilang Pontiff noong 1978.

Sa pagpili ng susunod na Santo Papa ay mayroong sinusunod na alituntunin ang Vatican. Una rito ang pagbeberipikang mabuti ng Sacred College of Cardinals o Camerlengo ng kamatayan ng una sa pamamagitan ng pagtayo sa gilid ng kama nito at tatlong beses na pagtawag ng kanyang pangalan at kapag hindi ito sumagot ay iaanunsiyo na nito at iaayos ang singsing kung saan nakasulat dito ang pangalan ng Papa at ang pagsira sa papal seal.

Gagawa namang muli ng panibagong singsing para sa susunod na uupong Santo Papa habang inihahanda ng Camerlengo ang traditional na siyam na araw na pagbuburol sa namatay katulong ang tatlo pang opisyal na naihalal at siya ring mag-uutos sa susunod na election.

Makalipas ang 15-20 araw matapos ang kamatayan ng Pope ay magpupulong ang 123 cardinals mula sa iba’t ibang panig ng mundo para pag-usapan ang election at dito pipili kung sino ang susunod na Santo Papa.

Matapos ang isang misa sa St. Peter’s Basilica ay papasok ang mga cardinals sa isang annex ng Sistine Chapel para sa election process na mas kilala sa tawag na conclave at bawat isa ay manunumpa. Mananatiling lihim ang election at ng sinumang susuway ay parurusahan sa pamamagitan ng ekomunikado.

Literal na nakasarado at binabantayan ang annex at pinagbabawalan ang mga cardinals na gumamit ng anumang device tulad ng cellphone at anumang uri ng komunikasyon sa labas.

Kinabukasan ay dadalo ng misa sa Sistine Chapel ang mga cardinal at dito sisimulan ang election subalit ayon sa binagong batas ni Pope Paul VI, tanging mga cardinal na mayroong edad na 80 pababa ang siyang maaaring bumoto.

Gagawing secret written ballots ang election at bibilangin ang balota ni Camerlengo at ng kanyang tatlong assistant. Noon ay kailangan lamang na makakuha ng 2/3 ng boto ang isang inihalal. Subalit noong 1996 binago ni Pope John Paul II ang kautusan upang kung hindi maging matagumpay ang botohan sa loob ng 12-13 na araw, mapapagkasunduan ng mga cardinal na maging majority ang election.

Dalawang balota ang kukunin sa umaga at dalawa rin sa hapon hanggang sa matapos na matagumpay ang botohan. Matapos ang voting session ay susunugin ang mga balota at kung mayroong pagdududa ay lalagyan ng chemical ang papel na magdudulot ng itim na usok na makikita ng publiko sa bubong ng Vatican Palace na ang ibig sabihin ay wala pang napipiling pope.

Kapag puting usok naman ang lumabas, ito ay isang senyales na naging matagumpay ang election.

Kapag tinanggap na ito ng napiling susunod na Santo Papa ay lalabas sa balkonahe ng Vatican ang pinakapinuno ng mga Cardinal at magsasalita ito ng "Habemus Papam" na ang ibig sabihin ay "we have a new Pope".

Kabilang sa cardinal bishops na posibleng pumalit kay Pope John Paul II sina Ratzinger, Joseph (Germany), 77; Sodano, Angelo (Italy), 77; Gantin, Bernardin (Benin), 82; Etchegaray, Roger (France), 82; Lopez Trujillo, Alfonso (Colombia), 69; Re, Giovanni Battista (Italy), 71; Sfeir, Nasrallah Pierre (Lebanon), 84; Ghattas, Stephanos II (Egypt), 85; Deoud, Ignace Moussa I (Syria), 71. (Ulat nina Gemma Garcia at Grace dela Cruz)

vuukle comment

ELECTION

GEMMA GARCIA

GIOVANNI BATTISTA

HABEMUS PAPAM

IGNACE MOUSSA I

KAPAG

LOPEZ TRUJILLO

POPE JOHN PAUL

SANTO PAPA

SISTINE CHAPEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with