Ito ang ipinahayag kahapon ni National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairman at Executive Officer Imelda M. Crisol-Roces.
Sa pakikpagtulungan ng NAPOLCOM, nabatid na sa darating na pagbubukas ng klase ipatutupad na ng Department of Education (DepEd) sa lahat ng istudiyante sa high school, mapa-pampubliko man o pribado ang naturang subject.
Ang Philippine Criminal Justice System sa kanilang curriculum ay isasama sa Social Studies/Civics subject.
Ang limang pillars ng CJS, na pag-aaralan ng mga high school student ay ang law enforcement, prosecution, courts, corrections at community.
Nabatid na sumailalim muna sa demo o matinding pag-aaral ang mga teacher na magtuturo ng naturang subject batay na rin sa pakikipagtulungan ng NAPOLCOM sa DepEd saka sila sasabak para ituro naman sa lahat ng istudiyante sa high school.
Layunin ng naturang hakbangin na bigyan ng higit na kaalaman ang mga kabataan sa kasalukuyang sistema ng batas at crime prevention.
Bukod dito ay higit nilang malalaman ang kanilang mga karapatan bilang isang mamamayan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)