SC 'di apektado ng survey, rali ng pro-FPJ
April 2, 2005 | 12:00am
Hindi nayayanig ang Korte Suprema sa mga surveys at fallies na isinasagawa ng kampo ng namayapang presidential candidate Fernando Poe Jr.
Ito ay matapos na magpalabas ng survey ang Social Weather Station (SWS) kung saan marami umanong Pinoy ang pabor na maisulong ang election protest ni Poe sa Presidential Electoral Tribunal (PET).
Ayon kay Supreme Court Public Information Office (PIO) Chief Atty. Ismael Khan, hindi apektado ang SC sa nasabing survey at rallies dahil ang desisyong ginawa ng mga mahistrado nito ay batay sa umiiral na batas at alituntunin.
Batay sa SWS survey noong February 25-March 10, 2005, may 47% sa 1,200 katao ang nais na maisulong ang nasabing oil protest ni FPJ upang malaman ng taumbayan kung sino ang tunay na nanalo sa pampanguluhang election.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Atty. Luzviminda Puno, Clerk of Court ng PET, ang pagkakabasura sa nasabing protesta ni FPJ ay hindi lamang dahil sa teknikalidad kundi dahil sa kawalan ng legal na kakayahan ng maybahay nito na si Susan Roces, kung kayat malabo umanong maisulong ito sa PET. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended