Dakong alas-12:01 ng madaling-araw ng itaas ng Flying V at Total ng 50 sentimos ang presyo ng kanilang produktong petrolyo.
Ayon kay Malou Espina, tagapagsalita ng Total Philippines, kailangan nilang muling magtaas upang makabawi sa tuloy-tuloy na paglobo ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.
Nagbabala din si Espina na hindi ito ang kanilang huling pagtaas ng presyo ng kanilang produktong petrolyo dahil 11 porsiyento pa lamang ang kanilang nababawi sa kanilang nalulugi.
Napag-alaman na ito na ang ikapitong pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa loob lamang ng taong ito.
Inaasahan namang susunod na ring magtataas ng kanilang presyo ang malalaking kompanya ng langis.
Samantala, sinabi naman ni Arnel Ty, pangulo ng LPG Marketers Association, na magtataas ngayong linggong ito ng P22 kada tangke o P2 kada kilo sa LPG.
Sinabi ni Ty na hindi na kayang pasanin ng mga LPG manufactures ang pagtaas ng produkto nito sa world market. (Ulat ni Edwin Balasa)