^

Bansa

3 solons artista na rin

-
Dahil marahil sa hirap ng buhay at sa pagbawas ng kanilang pork barrel, tatlong kongresista ang nahikayat ni presidential son at Pampanga Rep. Mikey Arroyo na pumasok sa mundo ng show business.

Nagsimula nang mag-shooting ang tatlong mambabatas kasama ni Arroyo sa pelikulang may titulong "Ang Pasaway at Ang Buraot" na pinagbibidahan ni Arroyo.

Nagiging tampulan ng tuksuhan at biruan ng mga kapwa kongresista ang apat na solons kasama si Arroyo na gaganap na "Pasaway" samantalang ang bestfriend nitong si Biliran Rep. Gerry Espina ang gaganap bilang "Buraot".

Ang dalawa pang mambabatas na hindi pa malinaw kung ano ang magiging role ay sina Isabela Rep. Antonio Miranda at Sultan Kudarat Rep. Suharto Mangudadato.

Ayon sa isang source na tumangging magpabanggit ng pangalan, posibleng maging kahalili ng mga kilalang comedian na sina Dolphy at Panchito sina Miranda at Mangudadato sa kanilang supporting roles.

Ang apat na mambabatas ay pare-parehong miyembro ng Kabalikat ng Malayang Pilipino (KAMPI) na kilalang malapit kay Pangulong Arroyo.

Idinagdag ng source na siguradong magiging ‘butt of jokes’ ang mga mambabatas na nag-aartista lalo na kung tatawaging Rep. Buraot si Espina at Rep. Pasaway si Arroyo sa loob ng session hall. (Ulat ni MRongalerios)

vuukle comment

ANG BURAOT

ANG PASAWAY

ANTONIO MIRANDA

BILIRAN REP

BURAOT

GERRY ESPINA

ISABELA REP

MALAYANG PILIPINO

MIKEY ARROYO

PAMPANGA REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with