Pagkamatay ng Pinay nurse sa London dapat imbestigahan
March 29, 2005 | 12:00am
Iniutos ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Embahada ng Pilipinas sa London na makipag-ugnayan sa awtoridad para sa imbestigasyon ng tunay na dahilan ng pagkasawi ng isang Pinay nurse na sumailalim sa operasyon sa panganganak sa England.
Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan na ang mga kinatawan ng Embahada sa pangunguna ni Ambassador Edgardo Espiritu sa police authorities sa London upang malaman ang dahilan ng pagkasawi ng Overseas Filipino Worker na si Anna Marie Denso.
Si Denso ay iniulat na nasawi sa ospital nitong Marso 18 matapos na sumailalim sa ceasarian operation.
Subalit may ulat na tinanggalan pa ng atay ang naturang nurse sa hindi malamang kadahilanan.
Wala pang ipinalalabas na ulat ang coroners office hinggil sa tunay na pagkasawi ng biktima.
Nagbigay ng assistance ang DFA sa pamilya ni Denso upang makuha ang benepisyo nito gaya ng pagpoproseso ng repatriation sa mga labi ng nasabing nurse, funeral at insurance benefits.
Samantala, 38 mangingisdang Pinoy ang kinumpirma naman ng DFA na inaresto sa Pakistan matapos masabat sa Arabian sea noong Sabado kasama ang iba pang dayuhan na lulan ng isang fishing vessel. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended