NPA attack paiigtingin
March 29, 2005 | 12:00am
Nagbanta kahapon ang liderato ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) na palalawigin pa ang paghahasik ng taktikal na opensiba tulad ng mga pag-atake at pag-ambus sa mga opisyal kaugnay ng pagdiriwang ng kanilang ika-36 taong anibersaryo ngayon.
Sa isang press statement, sinabi ni NPA Spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal na ipamamalas ng kanilang hukbo ang superyoridad ng suportang masa at mga taktikang gerilya laban sa AFP at PNP.
Ayon kay Ka Roger, kailangan silang maglunsad ng mas marami pang mga opensiba upang makalikom ng daan-daan pang mga baril mula sa tropa ng pamahalaan upang armasan ang patuloy nilang dumaraming mga red fighters.
Bilang reaksyon ng AFP, maliliit na detachment lamang daw ng militar sa mga kanayunan ang kayang atakehin ng mga rebeldeng komunista. Binigyang-diin pa ng AFP na hindi natitinag ang militar sa mga ganitong uri ng pagbabanta mula sa CPP-NPA dahil nakahanda ang kanilang puwersa sa anumang uri ng pagsalakay ng mga rebelde.
Hinggil naman sa posibleng pananabotahe ng mga rebelde sa Metro Manila, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Avelino Razon Jr., na muli nilang itinaas sa full alert ang kanilang puwersa upang supilin ang posible pang mga pag-atake ng mga rebeldeng komunista. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended