^

Bansa

Car bomb nakaamba

-
Kinumpirma kahapon ng AFP-National Capital Region Command (AFP-NCRC) na mayroong nakaambang plano na pambobomba ang mga teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) at Jemaah Islamiyah (JI) sa pamamagitan ng taktikang ‘car bomb’ kung saan ay target nito ang idaraos na 112th general assembly ng International Parliamentary Union (IPU) na gaganapin ngayong Abril 3-8 sa Philippine International Convention Center (PICC).

Ayon sa impormasyon, gagamit ang mga terorista ng car bomb na pasasabugin nila tulad ng naganap sa Bali, Indonesia.

Nakatakdang dumagsa ang may 1,500 delegado sa IPU Conference mula sa 114 bansa kaya ibubuhos ng PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO) ang may 11,500 na tauhan nito para sa seguridad ng PICC na pagdarausan ng conference pati ang mga hotel na tutuluyan ng mga delegado.

Bukod sa planong pananabotahe sa IPU, magsasagawa din daw ng pag-atake ang mga terorista, ayon sa source ng militar, sa iba’t ibang night spots sa Maynila na paboritong gimikan.

Kahit nakumpiska ng mga awtoridad ang sako-sakong pampasabog kamakailan sa Quezon City na gagamitin sana sa pananabotahe ng mga terorista ay inalerto pa rin ni PNP chief Arturo Lomibao ang pulisya dahil na rin sa rebelasyon ng naarestong Indonesian terrorist na si Rohmat alyas Saki na planong pagganti ng JI at ASG dahil sa sinapit ng kanilang mga kasamahan sa Taguig jail incident.

Ayon kay PNP chief Lomibao, patuloy pa rin ang kanilang ‘hot pursuit’ operations laban sa walong ASG bomb experts at isang JI na nasa likod umano ng nabigong Holy Week attack matapos maaresto ang bomb expert na si Tyrone Dave Santos alyas Daud Santos kamakailan sa Quezon City.

Wika pa ni Lomibao, pangunahing target ng kanilang hot pursuit operations ay si Akmad Santos na kapatid ng bomb expert na si Tyrone. (Ulat nina Joy Cantos at Danilo Garcia)

ABU SAYYAF GROUP

AKMAD SANTOS

ARTURO LOMIBAO

AYON

DANILO GARCIA

DAUD SANTOS

HOLY WEEK

INTERNATIONAL PARLIAMENTARY UNION

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with