Kinilala ni Major Gen. Gabriel Habacon, Commanding General ng Armys 1st Infantry Division (ID) ang sumukong rebel leader na si Nurham Amel na ikinanta naman ang mga bomb paraphernalia na narekober ng Armys 51st Infantry Battalion (IB) sa isinagawang follow-up operation sa Brgy. Migpolao.
Si Amel alyas Commander Ramzi ang siyang pinuno ng 1st Section ng 1st Unit Command sa ilalim ng 108th Base Command ng MILF ay sumuko sa nabanggit na batalyon ng militar kamakailan.
Kabilang sa nasamsam ay isang M 14 sniper rifle, sari-saring bomb paraphernalia tulad ng mga blasting caps, 3 rounds ng mga bala ng 40 MM grenade launcher at anim na pulgada ng detonating cord.
Nasamsam rin ang isang caliber 5.56 MM at M 653 rifle sa Brgy. Poe, Pitogo, Zamboanga del Norte.
Ayon naman kay AFP -Southcom Chief Lt. Gen. Alberto Braganza, patuloy nilang iniimbestigahan si Commander Ramzi kung may plano ang grupo nito na maglunsad ng bombing attacks sa Zamboanga City at iba pang mga pangunahing lungsod sa rehiyon ng Mindanao.
Nakatakda namang magpatuloy ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng MILF peace panels sa Malaysia sa darating na Abril 16 ng taong ito.