^

Bansa

MILF commander sumuko, bomba nasamsam

- Joy Cantos, Roel Pareño -
Nasilat ng tropa ng militar ang iniumang na pambobomba ng mga teroristang grupo matapos marekober ang mga bomb paraphernalia kasunod ng pagsuko ng isang Commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Dinas, Zamboanga del Sur, ayon sa mga opisyal kahapon.

Kinilala ni Major Gen. Gabriel Habacon, Commanding General ng Army’s 1st Infantry Division (ID) ang sumukong rebel leader na si Nurham Amel na ikinanta naman ang mga bomb paraphernalia na narekober ng Army’s 51st Infantry Battalion (IB) sa isinagawang follow-up operation sa Brgy. Migpolao.

Si Amel alyas Commander Ramzi ang siyang pinuno ng 1st Section ng 1st Unit Command sa ilalim ng 108th Base Command ng MILF ay sumuko sa nabanggit na batalyon ng militar kamakailan.

Kabilang sa nasamsam ay isang M 14 sniper rifle, sari-saring bomb paraphernalia tulad ng mga blasting caps, 3 rounds ng mga bala ng 40 MM grenade launcher at anim na pulgada ng detonating cord.

Nasamsam rin ang isang caliber 5.56 MM at M 653 rifle sa Brgy. Poe, Pitogo, Zamboanga del Norte.

Ayon naman kay AFP -Southcom Chief Lt. Gen. Alberto Braganza, patuloy nilang iniimbestigahan si Commander Ramzi kung may plano ang grupo nito na maglunsad ng ‘bombing attacks’ sa Zamboanga City at iba pang mga pangunahing lungsod sa rehiyon ng Mindanao.

Nakatakda namang magpatuloy ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng MILF peace panels sa Malaysia sa darating na Abril 16 ng taong ito.

vuukle comment

ALBERTO BRAGANZA

BASE COMMAND

BRGY

COMMANDER RAMZI

COMMANDING GENERAL

GABRIEL HABACON

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

MAJOR GEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with