Kabilang sa mga sakit na uso at kadalasang tumatama sa mga kabataan kapag tag-init ay ang bulutong, tigdas, pigsa, bungang-araw at iba pang sakit sa balat, sore eyes, mga pananakit ng tiyan at pagdumi.
Maging ang mga nakakatanda o senior citizen ay pinag-iingat ni Echiverri para sa tinatawag na "heat stroke" o atake bunga ng sobrang init.
"Sa lahat ng uso ito ang hindi natin dapat gayahin, kung mayroong sintomas na nararamdaman ang mga kababayan natin ay makabubuting magtungo sa mga barangay health center para malunasan agad," pahayag nito.
Ipinaliwanag ng Caloocan Health Department na tumataas ang kaso ng pagdudumi at pananakit ng tiyan ng tao dahil sa pag-inom ng maruming tubig.
Inirekomenda ng CHD na pakuluan ng publiko ang tubig na kanilang iniinom dahil mataas ang antas ng bacteria sa tubig kapag panahon ng tag-init dahil na rin sa kakapusan ng pressure sa pagdaloy nito sa mga tubo.
Kasabay nito, inatasan ng alkalde ang City Health Department na tiyaking sapat ang mga gamot sa mga ospital para lunasan ang mga sakit na lumilitaw tuwing mainit ang panahon.