Inaasahan naman ng Palasyo na hindi na mauulit ang nangyari kay Sen. Estrada sa iba pang opisyal ng pamahalaan kung saan ay nagmamalabis sa tungkulin ng mga US immigration officials.
Sinabi naman ni Press Secretary Ignacio Bunye, hindi na maghahain ng diplomatic protest ang Pilipinas dahil agad namang humingi ng paumanhin si US Ambassador Francis Ricciardone sa pangyayari kay Sen. Loi kung saan ay idinetine ito kasama ang anak na si Jackie Ejercito-Lopez at mga apo sa Airport sa loob ng isang oras at kalahati saka pinagtatanong ng isang Fil-Am immigration agent na nagngangalang Pangan tungkol sa kaso ni dating Pangulong Erap Estrada.
"We are concerned over this incident and we acknowledge the statement of Ambassador Ricciardone expressing regrets and the assurances that this will be looked into. Philippine lawmakers deserve some respect in foreign soil in the same manner that all foreign government officials and diplomats enjoy the respect and courtesies due them in our country," wika pa ni Sec. Bunye.
Magugunita na binatikos ni Senate President Franklin Drilon ang ginawang pambabastos ng mga US immigration officials laban kay Sen. Loi. (Ulat ni Lilia Tolentino)