4 napatay na lider ng ASG positibo sa gun powder burns

Positibo sa gun powder burns ang apat na napaslang na lider ng Abu Sayyaf sa isinagawang ‘commando assault’ ng pulisya sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City kamakailan,

Ito ang inihayag kahapon ni C/Supt. Ernesto Belen, hepe ng PNP-Crime Laboratory base sa results ng isinagawang paraffin test sa bangkay nina Commanders Robot, Kosovo, Global at Ka Lando.

Una rito, lumutang ang anggulong ni-rubout ang 22 napatay na Abu kabilang ang apat nitong lider na nagwakas sa 30-oras na stand-off sa Bicutan jail.

Dahil dito, sinabi ni Belen na patunay lamang ito na talagang nagpaputok ng baril sina Robot taliwas sa mga naglabasang espekulasyon na pinaslang ang mga ito ng mga elemento ng PNP Special Action Force at Regional Special Action Unit. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments