^

Bansa

Janjalani buhay pa

-
Buhay na buhay pa at malakas pa rin umano si Abu Sayyaf Group (ASG) chieftain Khadaffy Janjalani.

Ito ang ibinulgar kahapon ni Zaki, ang nahuling top JI member, taliwas sa naunang sinabi ng mga opisyal ng militar na napatay na si Janjalani sa isinagawang air strike operations ng militar noong nakaraang taon sa Butilen Marsh, Datu Piang, Maguindanao.

Base sa isinagawang inisyal na interogasyon kay Zaki, sinabi nito na sila mismo nina Janjalani at Abu Solaiman ang nagplano ng Valentine’s day bombing.

Inamin ni Zaki na nasugatan siya sa air strike pero nakaligtas sa insidente si Janjalani matapos ang sunud-sunod na pagpapaulan ng bomba ng militar sa lugar kung saan sila nagdaraos ng pagpupulong para sa planong pagpapalawak ng terorismo.

Sa kabila nito ay duda naman si AFP Deputy Chief of Staff Lt., Gen. Edilberto Adan sa pahayag na ito ni Zaki na aniya’y kailangan pa ng masusing beripikasyon.

Nitong nakalipas na Nobyembre 19, 2004 ay inihayag ng militar na napatay nila sa air strike operations si Janjalani kasama ang 10 pa na kinabibilangan rin ng mga miyembro ng Al-Qaeda sa Butilen Marsh.

Sa pahayag ng kanilang mga informer, nahati umano at nagkadurog-durog ang katawan ni Janjalani sa nasabing operasyon.

Matapos ang air strike sa Central Mindanao ay umalis si Janjalani patungong Tawi-Tawi sa bigong pagtatangka na tumakas patungong Malaysia subali’t muling nagbalik sa nasabing lugar dahilan sa muntik ng pagkakaaresto nito ng elemento ng Phil. Marines. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ABU SOLAIMAN

BUTILEN MARSH

CENTRAL MINDANAO

DATU PIANG

DEPUTY CHIEF OF STAFF LT

EDILBERTO ADAN

JANJALANI

JOY CANTOS

ZAKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with