Razon 3 star general na
March 22, 2005 | 12:00am
Na-promote si National Capital Regional Police Office (NCRPO) Chief Avelino Razon Jr., matapos itong gawing 3-star general sa ranggong P/Deputy Director General.
Si Razon ay pormal na nanumpa bilang 3-star general matapos ang isinagawang flag raising sa Camp Crame Headquarters sa Quezon City kahapon ng umaga.
Matatandaan na isa si Razon sa matataas na opisyal ng pulisya na namuno at bumuo ng Crisis Management Team nang lusubin na ng mga elemento ng Special Action Force (SAF) ang Bicutan jail noong nakalipas na Martes na ikinasawi ng 22 bandido kabilang ang kanilang apat na lider.
Bago ito ay tatlong jailguards at dalawang kasapi ng Abu Sayyaf ang napaslang sa madugong pagtatangka ng mga bandido na tumakas sa bilangguan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended