Kinidnap na Pinoy seaman ligtas na
March 22, 2005 | 12:00am
Ligtas na ang Pinoy seaman na iniulat na dinukot ng mga pirata sa karagatan kasama ang dalawang dayuhan habang sakay sila ng tugboat sa Malacca Straits sa Malaysia kamakailan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang nasagip ng Thai Marine authorities ay si Edgardo Pagliyawang Sadang, 23, engineer, tubong Palawan.
Kinumpirma naman ni Ambassador Antonio Rodriguez na ligtas na si Sadang matapos makausap niya ito sa telepono makaraang masagip ng mga Thai authorities.
Magugunita na kasama ni Sadang ang dalawang Japanese nationals habang lulan ng Idaten tugboat ng iulat na dinukot ito ng mga pirata noong Marso 14 sa Malacca Straits.
Natagpuan naman ang mga ito ng isang Thai fishing vessel noong Marso 19 at nailigtas ng mga awtoridad. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am