PNP pinuri ng NGOs

Pinapurihan ng apat na non-government organizations (NGOs) ang PNP dahil sa matagumpay at maraming operasyon nito laban sa kriminalidad.

Sa isang joint assembly sa Maynila na pinamunuan nina James Fontanilla, pangulo ng Philippine Association of Past SK Chairman (PAISEC), Ma. Sheryl Serrano, pangulo ng Kabataan ang Kinabukasan ng Movement (KKM), Francisco Daniam, Chairman ng Nagkakaisang Mamamayan Laban sa Droga (MMLD), at Citizens Alliance for Reforms (CARE) President Jessie Engson, ang apat na NGOs ay bumuo ng bloc na tinawag na "The Big Four". Sinabi ni Engson na ang joint effort ng bloc ay para tumulong sa pamahalaan para masugpo ang krimen.

Sa assembly ay nagpakita ng mga documented accomplishment sa PNP ang The Big Four. Pinapurihan nila ang PNP’s Detection and Special Operations Division na pinamumunuan ni P/Supt. Edgardo Divina dahil sa matagumpay nitong operasyon sa Coplan "CYCLOPS" na nagresulta sa pag-aresto ng maraming drug dealers at manufactures. Nanawagan si Divina sa suporta ng mga nasa civilian organizations laban sa kriminalidad.

Show comments