^

Bansa

Batas para sa kaligtasan ng NAIA passengers

-
Hiniling kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magpasa ng isang batas na nagsisiguro sa kaligtasan ng mga pasahero ng mga eroplanong umaalis at lumalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa mga residenteng nakapaligid sa nasabing paliparan.

Ang pag-apela ay isinagawa ni Parañaque City Vice Mayor Anjo Yllana sa mga mambabatas matapos siyang maimpormahan ng mga pilot groups na hindi ligtas ang NAIA at iba pang paliparan sa airplane landings dahil na rin sa mga nakapalibot na maliliit na barung-barong malapit sa tarmac.

Ipinunto ng bise alkalde na mas matinding panganib ang nakaamba sa mga residente na ang mga bahay ay ilang kilometro lamang ang layo sa airport stretch kung saan mas sensitibo sa ipinaiiral na safety measures ng airport authorites.

"I think there should be laws that would endorse and enforce the proper safety precautions available to abort necessary untoward incidents within the Airports not only in Paranaque but also nationwide," ani Yllana.

Niliwanag nito na hindi ito isang laro dahil kapag aksidenteng mag-crash ang isang eroplano sa NAIA ay maaapektuhan ang may 3,600 illegal squatters na naninirahan sa pagitan ng Pasay at Parañaque City boundaries na malapit sa international at domestic airports.

Sinabi ng bise-alkalde, ang apela nito sa mga Kongresista lalo na kina Parañaque Reps. Ed Zialcita at Roilo Golez ay bilang tugon sa panawagan ng mga lokal na piloto kasunod ng mga nagaganap na air accidents na naitala sa mga nagdaang taon.

CITY VICE MAYOR ANJO YLLANA

ED ZIALCITA

HINILING

IPINUNTO

KONGRESISTA

KONGRESO

MABABANG KAPULUNGAN

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

ROILO GOLEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with