Pansamantalang pinigil ng mga tauhan ni BI Commisioner Al Fernandez, si Abdullah Nassar Alarifi, 34, isang student pilot.
Si Alarifi, ay nasa talaan ng mga blacklisted alliens matapos hilingin ng Embahada ng Estados Unidos kay dating BI Commissioner Andrea Domingo na ilagay ito sa nasabing listahan.
Ayon kay Fernandez, nasa kanyang tanggapan si Alarifi para sa isang imbestigasyon at anumang oras matapos ang kanilang interogasyon ay ipatatapon niya ito pabalik sa pinanggalingang bansa.
Ayon sa reliable source, interesado ang mga awtoridad kay Alarifi na sangkot umano sa Marriote Hotel bombing sa Indonesia at isa rin daw ito sa nagplano sa pagpapasabog ng Twin Tower sa New York City noong September 11, 2001.
Ayaw magbigay ng ibang detalye si Fernandez tungkol sa katauhan ni Alarifi habang isinisulat ang balitang ito.
Itinago sa media sa NAIA ang pagdating ni Alarifi sa hindi malamang dahilan. (Ulat ni Butch