^

Bansa

9-11 bomber timbog

-
Masusing iniimbestigahan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang Arab national na sinasabing kasapi sa Al-Qaeda na sangkot sa 9-11 bombing sa New York at sa Bali, Indonesia bombing noong 2003 matapos itong dumating sa Ninoy Aquino International Airport flight PR — 639 galing Riyadh.

Pansamantalang pinigil ng mga tauhan ni BI Commisioner Al Fernandez, si Abdullah Nassar Alarifi, 34, isang student pilot.

Si Alarifi, ay nasa talaan ng mga blacklisted alliens matapos hilingin ng Embahada ng Estados Unidos kay dating BI Commissioner Andrea Domingo na ilagay ito sa nasabing listahan.

Ayon kay Fernandez, nasa kanyang tanggapan si Alarifi para sa isang imbestigasyon at anumang oras matapos ang kanilang interogasyon ay ipatatapon niya ito pabalik sa pinanggalingang bansa.

Ayon sa reliable source, interesado ang mga awtoridad kay Alarifi na sangkot umano sa Marriote Hotel bombing sa Indonesia at isa rin daw ito sa nagplano sa pagpapasabog ng Twin Tower sa New York City noong September 11, 2001.

Ayaw magbigay ng ibang detalye si Fernandez tungkol sa katauhan ni Alarifi habang isinisulat ang balitang ito.

Itinago sa media sa NAIA ang pagdating ni Alarifi sa hindi malamang dahilan. (Ulat ni Butch

vuukle comment

ABDULLAH NASSAR ALARIFI

ALARIFI

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISIONER AL FERNANDEZ

COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

ESTADOS UNIDOS

FERNANDEZ

MARRIOTE HOTEL

NEW YORK

NEW YORK CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with