Inihayag ni National Bureau of Investigation-Interpol chief Atty. Ric Diaz na nadakip si Aquino kamakalawa matapos na hanapan siya ng mga papeles sa pananatili sa Estados Unidos ngunit ang palsong "tourist visa" na hawak nito ang naipakita sa mga atworidad.
Wala pang opisyal na dokumento buhat sa FBI na hinahawakan ang NBI ngunit sinabi ni Diaz na sa kanila ipapasa ang kustodya ng nahuling opisyal. Itoy kapag natapos na umano ang paglilitis sa kaso hinggil sa paglabag sa immigration law ni Aquino.
Si Aquino kasama si dating P/Sr. Supt. Cesar Mancao ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) na pinamumunuan noon ni Lacson ay isinasangkot sa kasong multiple murder kaugnay sa umanoy pagpatay sa mga miyembro ng Kuratong Baleleng robbery/holdup gang noong l995.
Nahaharap rin si Aquino sa kasong abduction with murder kaugnay naman sa kontrobersyal na Dacer-Corbito double murder case.
Sina Aquino at Mancao ay tumakas sa bansa patungong US matapos ang sunud-sunod na pagsasampa ng kaso laban sa mga ito. (Ulat ni Danilo Garcia)