Sa isinagawang pagdinig ng senate committee on public services na pinamumunuan ni Sen. Arroyo, lumitaw na walang kakayahan ang NTC sa pamumuno ni Commissioner Ronald Solis upang bigyang proteksyon ang taumbayan.
Nagpatawag ng pagdinig ang Senado upang alamin ang papel ng NTC sa usapin ng pagkakaroon ng takdang panahon ng mga prepaid card holders ng Globe at Smart.
Umangal ang Senado sa pagpapataw ng charge kada minuto sa mobile phone service providers at ang pagpapadala ng mga kumpanya ng random spam messages.
Inirekomenda ng Senado na amyendahan ang prangkisa ng Globe at Smart upang matiyak na mabibigyang proteksyon ang mga consumers.
Inakusahan ng isang senador si Solis na walang silbi dahil hindi kinilala ang kanyang memorandum ng 2 telecom kung saan ay nagsampa lang ang mga ito ng Temporary Restraining Order (TRO) para ipatigil ang implementasyon nito. (Ulat ni Rudy Andal)