^

Bansa

LRT 1 puwede nang simulan

-
Maaari nang simulan ang matagal ng naantalang P8 bilyong LRT 1 Capacity Expansion (Capex) project matapos na mapatunayan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na legal ang ginawang bidding ng proyekto.

Ito ay matapos na tapusin na ni Rep. Augusto Baulio, chairman ng House committee on RORO (roll-on, roll-off) ang inquiry at sinabing legal at walang anomalya sa pagkakapanalo ng Sumitomo ng Japan sa nasabing bidding.

Dahil dito, puwede nang maghanap ng counterpart funding ang LRTA para sa Japan Bank for International Cooperation (JBIC) na siyang nagpondo sa nasabing proyekto.

Siniguro ni JBIC chief Rep. Osamu Murata na wala ng magiging problema sa pondo ng naturang proyekto. Kung masusunod ang unang plano, ang LRT 1 expansion project ay gagamit ng mas makabagong makinarya at kaya nitong magsakay ng tinatayang 43,000 pasahero kada araw. (Edwin Balasa)

AUGUSTO BAULIO

CAPACITY EXPANSION

CAPEX

DAHIL

EDWIN BALASA

INTERNATIONAL COOPERATION

JAPAN BANK

MABABANG KAPULUNGAN

OSAMU MURATA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with