Ito ang iginiit ni Sen. Edgardo Angara, chairman ng LDP sa isinagawang executive council meeting ng partido na ginanap sa Manila Hotel.
Ang nasabing reporma ay isinagawa na rin noong Ramos presidency.
Ang LDP ay naghalal ng mga bagong officers nito, nag-amyenda ng Constitution and by-laws nito gayundin ang pagbuo ng resolusyon na nagbibigay kay elected party chairman Edgardo Angara para makipagkasundo sa iba pang political parties para sa good governance.
Ang LDP, ayon kay Angara ang magiging daan sa pagpasa ng mahahalagang panukalang batas gaya ng sa edukasyon, health at agricultural modernization at para sa mga overseas Filipinos.
Kabilang sa mga party officials ay sina dating Sen. Vicente Sotto III, executive vice-pres.; former Rep. Miguel Romero, sec. gen.; lawyer Demaree Raval, deputy sec. gen; lawyer Avelino Cruz, general counsel; Melo Santiago, treasurer at dating Rep. Toti Carino, deputy treasurer.
Nagkaisa ang LDP na gamutin ang sugat dulot ng pagkahati-hati sa pulitika at isulong ang reporma para sa ikauunlad ng bansa. (Ulat ni Rudy Andal)